Dinagsa ng libu-libong mga guro ang pagdiriwang ng 113th Founding Anniversary ng Dep-ed o Department of Education ng Nueva Ecija Division na may temang Celebrating Our Talents: A Signpost to Excellence na ginanap sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City kamakailan.
Ayon kay Ronilo Hilario, EPS o Education Program Supervisor in Research ang layunin ng kanilang pagdiriwang ay upang magkaisa ang lahat ng ahensya ng Dep-ed sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.
Bago paman simulan ang pagdiriwang ay nagkaroon ng isang banal at mataimtim na misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Jessie Salac.
Sa pormal na pag-uumpisa ng programa ay makikitang sabik na sabik ang bawat manunuod na makita ang hinandang presentasyon ng ilang mga paaralan pagdating sa pag sayaw at pagkanta.
Ngiti sa mga labi ang makikita sa lahat ng mga guro na dumalo na masasabing talaga namang na pawi ang kanilang mga pagod ng araw na yun.
Ang pag diriwang na ito ay talaga namang pinaghahandaan at lalo pang paganda ng paganda taon-taon ang mga ginagawang programa para sa lahat ng ating magigiting na mga guro ma pampapubliko man o pribadong paraaralan ay nanatiling nagkakaisa.
At sa huli ay mensahe ang iniwan ni Dr. Edna Santos-Zerrudo, School Division Superintendent.-Ulat ni Joyce Fuentes