Naging mainit ang naging laban ng mga amature boxers na tubong Nueva Ecija sa taunang Bakbakan Nueva Ecija 2014 na ginanap sa Nueva ecija High School Gymnasium hatid ng Sports And Youth Office of Nueva Ecija at pamahalaang panlalawigan .
Hindi lamang ang laban ang naging dahilan upang lalong maging interesado ang marami sa laban kundi dahil din sa mga nag gagandahang round girls.
Umaatikabong laban na puno ng dedikasyon at pagnansang manalo. Sa loob ng 30 laban ilan dito ay nagtapos sa Unanimous Decision, Split Decision, Disqualification at ang pinaka-aabangang Knock- Out.
Naging mainit ang mga laban kung saan kitang kita ang pagnanasa ng bawat isa na manalo.
Naging matagumpay ang patimpalak na ito na sinalihan ng animnapung amature boxers.
Ang mga kalahok ay hindi lamang naghanda kundi talaga namang determinado upang manalo sa kanilang laban. Tanging dahilan din ang boxing upang magkaroon ng scholarship ang ilan, katulad ni Ariel isang Criminology Student na nanalo via knock out sa 2nd round.
Sa susunod na taon pakakaabangang muli ang mga umaatikabong laban sa Bakbakan Nueva Ecija.-Ulat ni Amber Salazar