Ramdam na sa bayan ng Bongabon ang Araw ng Kapaskuhan dahil sa mga maniningning at makukulay na mga parol at Christmas Tree na nakabandera sa harapan ng munisipyo.
Paligsahan sa pagandahan ng mga parol na gawa sa mga recycled at native materials na may tema na Paskong Pinoy.
Ang mga nagwagi sa parol contest ay tatanggap ng cash prize na iaanunsyo sa December 11, araw ng Lunes.
Bukod sa mga nagliliwanag na mga parol ay patok din na puntahan araw-araw, alas tres ng hapon hanggang alas-onse ng gabiĀ ang night market na matatagpuan sa Municipal Boulevard.
Samantala, kasabay ng pagpapailaw ay ibinukas na rin sa publiko ang gagamiting logo para sa 15th Sibuyas Festival 2018 na gaganapin sa April 1-10, 2018.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng mga komite na bumubuo sa nasabing selebrasyon ang mga patimpalak na ihahain sa mga residente ng Bongabon tulad ng Street Dancing, Fun Run, Barangay Night, Karera ng mga Kalabaw, Talentadong Pinoy, Zumba, Battle of the Bands at iba pa.
Nais ng punong bayan ng Bongabon na si Mayor Ricardo Padilla na magkaisa at paunlarin ang kanilang bayan.- Ulat ni Shane Tolentino