Inihayag ng DTI o Department of Trade and Industry na sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng mga bigas, asukal at bawang sa bansa. Nananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin na kanilang minomonitor sa lalawigan.
Ayon kay Brigida Pili, Provincial Director ng DTI, stable at sapat ang supply sa lalawigan mula nuong buwan ng Enero. Kaya’t walang dahilan na magkaroon ng abnormal na pagtaas ng presyo.
Dagdag pa niya, ang mga produkto ng kanilang minomonitor katulad ng canned fish and marine products, processed milk, bread, cement at steel bars, ay bahagya lang ang naging pagtaas sa loob ng tatlo at kalahating taon habang ang processed canned pork, ay bumaba pa ng 4.63%.
Kaugnay nito, nakatakdang magpamahagi ng pitumpong timbangan ang ahensya sa lahat ng pampublikong pamilihan sa lalawigan, upang lalong maproteksyunan ang mga mamimili.
Nagpaalala din ang DTI na kung sakaling mali o kung sa tingin ninyo ay naabuso kayo ng mga negosyante o vendors ay pumunta lamang sa mga pinakamalapit na opisina ng pamilihan.
Maaari din pumunta sa kanilang opisina o mag log on sa kanilang website: www.dti.gov.ph.