Nagtagisan ng galing sa pagrampa at pagsagot sa Question and Answer Portion ang Labinwalong kandidata ng Mutya ng Lungsod Agham ng Muñoz 2017, kung saan naiuwi ni Salini Theamudu mula sa barangay Linglingay ang korona.

   Lumutang ang kagandahan at kasimplehan ng binibini na itinanghal bilang Mutya ng Lungsod Agham ng Muñoz 2017 mula sa barangay Linglingay na si Salini Theamudu.

   Rumampa ang dalaga suot ang iba’t-ibang kasuotan tulad ng Casual attire, Swimwear attire at Formal Evening gown.

   Hinarana ng mga heartrob na sina Tony Labrusca at James Ryan Cesena na galing sa Pinoy Boyband ang mga kandidata sa kanilang Formal Evening gown.

Labin-walong kandidata ng Mutya ng Lungsod Agham ng Muñoz 2017 nagtagisan ng galing at talino.

Labin-walong kandidata ng Mutya ng Lungsod Agham ng Muñoz 2017 nagtagisan ng galing at talino.

   Kasama sa mga nagwagi si Candidate number 1 Grace Bumanlag 2nd runner up, Candidate number 3 Dezzaree Caras 1st runner up.

   Nakakuha rin ang mga ilang kandidata ng  Minor awards, si Candidate number 12 Faye Fajardo para sa Natatanging Binibini sa Malikhaing Kasuotan at Binibining Palakaibigan , Candidate number 2 Arrienne Torres para sa Natatanging Binibining Photogenic.

   Para naman sa Special Awards, nakamit ni Candidate number 18 Maricris Jimenez ang Sisters Choice Award, Candidate number 13 Judy anne Duran ang Miss Tm 2017, Candidate number 3 Dezzaree Caras ang nakakuha ng Binibining Nailandia, Candidate number 7 Archelle Turingan para sa Binibining Olay.

   Mula sa Labin-walong kandidata pumili ng walo ang mga hurado at sa huli ay naging tatlo na lamang.

   Hindi naman nagpahuli si Salini sa pagsagot sa Question and Answer Portion.

   Masayang-masaya si Salini na naiuwi nya ang korona at malaking pasasalamat ang ipinaabot ng dalaga sa lahat ng sumuporta sakanya lalong-lalo na sa kaniyang pamilya. -Ulat ni Majoy Villaflor