Sa ginanap na Sports Fest 2017 ng mga Graduate School sa Neust rumampa sa entablado ang mga pambato ng bawat organisasyon ng naturang unibersidad.

Hindi lang sa Pagrampa nagpamalas ng galing ang mga kalahok kundi maging sa Question and Answer Portion ay nagpakitang gilas ang ito.

Nakuha naman ni Mitchelle Dumlau at Arnold Aguinaldo ng Master of  Business Administration  ang 3rd Place, 2nd Place naman si Jane Cabantog ng Master of Science Education  at King Alvin ng Master of Science in Business Technology , at ang itinanghal na Mr and Miss Sports Fest 2017 ay sina Cesar Ian Salac ng Master of Science Education at Anna Kristel Olanda ng Master of Public Business A   dministration.

Nakatanggap ng Sash at Bouquet ang mga itinaghal na wagi sa kompetisyon.

Nakilahok din ang bawat organisasyon sa mga palaro tulad ng Table Tennis, Basketball, Volley Ball, Chess, at Harang Taga.

Ayon kay Anna Kristel Olanda, labis ang katuwaan nito sa nakamit na titulo bilang          ms. Sports Fest 2017 ng kanilang eskwelahan.

Ayon naman kay Cesar Ian Salac hindi maipaliwanag na saya ang kanyang nadama dahil sa muling pagbabalik hindi lamang sa kanyang pinanggalingang unibersidad kundi maging sa itaas ng entablado.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng sumoporta sa kanya kahit walang preparasyon ay nakuha niya ang titulo

Sa panayam naman ni Elvira Ronquillo, Vice Governor ng Student Council,  ang layunin nito ay maidebelop ang Sportsmanship ng bawat isa, magkaroon ng magandang samahan, at mas magkakila-kilala pa ang bawat organisasyon. -Sa Ulat ni Phia Sagat