Sinimulan na ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Vice Mayor Anthony Umali ang deliberasyon ng Proposed Annual Investment Plan o Aip sa taong 2018.
Sa pahayag ng Chairman ng Komite, “smooth” na matatawag ang ginagawa nilang pagdinig sa AIP katuwang ang mga department heads.
Mayroon lang aniya siyang ilang katanungan at gustong malinawan pagdating sa mga opisina na kabilang sa nasyunal kagaya na lamang ng prosecution office.
Nais rin ng Bise Alkalde, na gawing detalyado at lagyan ng estimated na pondo ang bawat programa o proyekto na nakasulat sa AIP.
Sa kasalukuyan, ay halos nangangalahati na ang Komite sa pagdinig ng presentasyon ng mga departamento. Kabilang na ang Human Resource, Legal, Civil Registry, Budget, Accounting, Auditing, Prosecution, Administration of Justice, Police, Veterinary and Information and Tourism.
Sa labing isang opisina, nangunguna sa pinakamalaking pondo ang Accounting sa halagang P20.9 Million, sumunod ang Veterinary P14.5 Million at Human Resource na umabot sa P11.8 Million, ang lahat ng ito ay manggagaling sa General Fund.
Inaasahan na sa unang bahagi ng buwan ng Disyembre matatapos ang pagdinig ng AIP. –Ulat ni Danira Gabriel
https://youtu.be/0BbKGUsikIo