Sa loob ng labing isang taon ay kinakalinga na ng Child Minding ang mga kabataan edad 2 buwan hanggang 3 taong gulang na isa sa programang hatid ng Provincial Government na special project ni Gov. Czarina Umali sa ilalim ng Provincial Childhood Care and Development Office upang matulungan ang mga nagta-trabahong magulang at mga single parent na walang mapag iiwanan ng kanilang mga anak habang sila ay nag ta-trabaho. Sa loob ng ilang taon ay waring pangalawang tahanan na ng mga bata ang opisina ng Child Minding na matatagpuan sa Old Capitol Compound Cabanatuan City na mula Lunes hanggang Biyernes ay bukas ang pinto ng upang kalingain ang mga bata na nakapasok sa kanilang pangangalaga.

PAGPAPALIGO, PAGPAPAKAIN AT MAGING PAGPAPAINOM NG GAMOT SA MGA BATA, ILAN LAMANG SA MGA HAWAK NA RESPONSIBILIDAD NG CHILD MINDING
Hindi lamang pag tingin sa mga bata ang ginagawa sa Child Minding, nakapasok na rin dito ang pagpapaligo, pagpapakain at pagtuturo sa mga kabataan upang maging pundasyon nila kapag sila ay nag simula ng mag aral.

CAREGIVER NG CHILD MINDING, SUMASAILALIM SA TRAINING AT SEMINARS
Nurses at Caregiver ang mga nakatutok sa mga bata na umaagapay sa kanila sa araw-araw. Mayroon ding utility at cook na naghahanda ng mga makkain ng mga bata.
Buwan-buwan na donasyon lamang na umaabot ng 750 ang kailangang bayaran ng mga magulang. Kasama an doon ang pagkain ng mga bata at pambili rin ng mga equipment na nagagamit upang mas madevelop pa ang mga bata.
Nagpasalamat din ang mga caregiver sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ngpagkakataon na maging parte sila ng Child Minding at pari na rin s amga magulang na ipinagkatiwala ang kanilang mga anak. Ulat ni Amber Salazar