
Misa sa Ibabaw ng bundok ng Pinamalisan sa Gabaldon, Nueva Ecija
Ipinaalala ni Bishop Sofronio Bangcud ang kahalagahan ng pag titika , pagninilay at pag bibigay pugay kay Hesus. Na aniya sa pag daan ng panahon ay unti-unti nang nahahalinhan ng pagnanais na mag bakasyon at mag libot.
Kaya naman ikinatutuwa ni Bishop Bangcud na buhay na buhay pa rin ang tradisyong katoliko ng Gabaldon, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora tuwing Biyernes Santo ang Gabalding kung saan sinasariwa dito ang sakripisyo ni Hesus sa kanyang pagkakapako sa krus.

San Pablo Apostol, Gabaldon, Nueva Ecija
Pagkatapos ng sabay na misa sa San Pablo Apostol sa Gabaldon at San Patricio sa Dingalan ay mag lalakad ang mga namamanata paakyat ng kabundukan dala ang magkaputol na krus at magtatagpo sa bundok ng Pinamalisan, Gabaldon na umaabot ng halos apat hanggang limang oras.
Maging si Vice mayor Anthony Umali ay matagal nang namamanata sa Gabalding kasama ng kanyang pamilya na sabay-sabay na nag darasal at nag aalay ng kanilang oras at sakripisyo tuwing Semana Santa sa pamamagitan ng pamamanata.
Maging ang mga kabataan ay namamanata rin kasama ng kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay .

Vangeline, 4 na taon nang namamnata sa Gabalding
Marami ring mga kabataan ang ipinagpapatuloy ang pamamanata sa Gabalding katulad na lamang ni Vangeline na pang-apat na taon nang sumasama sa Gabalding.

Martin Pacatan, 6 na taon nang namamanata
Mula pa sa Region 7 ay taon-taong dumarayo si Martin Pacatang sa loob ng 6 na taon . ito ay isang panata aniya na kanyang ipagpapatuloy hanggat sya ay may lakas.

8 Taon nang namamanata na si Vice Mayor Anthony Umali sa Gabalding.
Sa loob naman ng walong taon ay namamanata na si Vice mayor Anthony Umali na sinusuong ang init ng araw at hirap upang sa ganitong paraan bilang isang kristiyano ay makibahagi sa naramdamang hirap ni Hesu Kristo . – Ulat ni Amber Salazar