LA FESTEJADA IMAGEN DELA VIRGEN DEL ROSARIO DE FATIMA

Pumarada ang  21 Birhen sa Cabanatuan City Bilang parte ng Celebrasyon ng Santa Rosario na pinag diriwang tuwing Oktubre,  ngayong taon ang tema ay patungkol sa pagiging tagapag buklod ng Birheng Maria ng mga mamamayan.   Ayon kay Ginang Ligaya Austria mahalaga ang selebrasyon ng Santa Rosario sa mga katoliko dahil maraming bagay ang sinisimbulo nito katulad ng kapayapaan at pagkakabuklod ng mga kristiyano.

Buwan ng Santa Rosario, Ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay pugay sa Mahal na Birheng Maria

Ito ay taunang ginagawa tuwing buwan ng oktubre kung saan unang itinatampok ang mga birhen sa mga mall para makita ng mga kristiyano. Sinundan naman ito ng prusisyon ng mga Birhen na replica ng iba’t ibang imahe ng  Birhen sa buong bansa.

Kabataan, makilahok sa mga gawain ng simbahan

Kitang kita rin ang pagiging aktibo ng mga Novo Ecijano katulad na lamang ng Rotary at mga kabataan na dumalo sa taong ito. Kaya naman nag iwan ng mensahe  ang mga deboto sa mga kabataan na sana anila ay pag yamanin ang tradisyon at patuloy na  makilahok sa mga gawain ng simbahan.  – Ulat ni Amber Salazar