Nasa lalawigan partikular sa bayan ng Palayan at Cabanatuan ang mga pang world class na mga  siklistang nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo bilang bahagi ng  ika-siyam na taon ng  Le Tour De Filipinas.

Ito ay kinabibilangan ng higit 16 Teams at 80 mga siklista mula South  Korea, China, Iran, Indonesia, Mongolia, Australia  at Pilipinas.

Ang Pilipinas naman ay mayroong anim na grupo mula Team 7/11-CLIQQ Roadbike Philippines, Go for Gold, Bike Extreme Philippines, Team CCN at ang Philippine Navy Standard Insurance.

Sa aming panayam kay Dona May Lina, Organizing Chairwoman ng Le Tour De Filipinas, madaming paghahanda ang kanilang ginawa bukod pa sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, pagsusuri ng mga dadaanan upang masigurong ligtas ang mga siklista.

Ibinahagi din nito na hindi biro ang mag-organisa ng ganito kalaking event lalo na sa larangan ng sports.

Ganun din ang saya na naramdaman sa mainit na pagtanggap ng mga Palayanos sa mga siklista. 

Ibinahagi din ng dalawang siklista mula Oliver’s Real Food Racing Team bansang  Australia ang kanilang karanasan sa paglilibot sa Pilipinas. 

Layunin ng Le Tour De Filipinas ay ma-promote ang International sports  partikular ang cycling, maipakilala ang sports sa  bawat komunidad sa Pilipinas at makakita o makatuklas ng mga world class cyclist.

Ang cycling history nito ay nagsimula dito sa Pilipinas. Nakilala ito bilang  tour of Luzon (1995) at  nagsimula sa four-stage race mula Manila to Vigan at ang mga kalahok ay binubuo lamang ng mga lokal riders na hilig lang ang cycling.

Nabago ito noong 1979 noong ang Marlboro ang naging opisyal na sponsor at dito na pinalitan ng bagong pangalan na Marlboro tour. dito pinalawak ang ruta na isinali na ang mga siyudad mula  sa Visayas Region.

Noong 1997 ang tour ay opisyal ng na-sanctioned ng Union Cycliste Internationale (UCI) at pinayagan ang mga racers mula sa ibang panig ng mundo na lumahok sa naturang event.

Naging Tour of CALABARZON din na pinalitan na tour pilipinas  sa magkasunod na taon at ngayon ay pinangalanan ng Le Tour De Filipinas.

Ang Nueva Ecija  ay tahanan din ng mga Philippines Cycling Legends gaya ni  Bernard R. Luzon, na naging parte ng kauna unahang Philippine Team na naimbitahan sa Tour of Ireland noong 1990’s.

Nagmula sa Quezon City ag mga siklista at nagtapos sa Palayan City. Cabanatuan hanggang Bayombong Nueva Viscaya, target nito ay ang  bambang to lingayen, at ang finish line ay lingayen hanggang  Baguio City.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.