Tampok ang Poster Making Contest sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month

Itinampok ang poster making contest sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month na may temang Consumer/Rights in the Digital Age, kung saan ipinakita ng mga estudyante ang kanilang pagiging malikhain sa pagguhit.

Mga malikhaing pagguhit ng mga pampribado at pampublikong eskwelehan ng sekondarya sa lalawigan ng Nueva Ecija

Ito ay nilahukan ng labing walong pampribado at pampublikong eskwelahan ng sekondarya sa lalawigan ng Nueva Ecija na naglalayong maipakita at maipabatid sa publiko sa pamamagitan ng pagguhit ang mga karapatan ng bawat mamimili.

Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School wagi sa poster making contest sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month

Wagi sa naturang kompetisyon ang pambato ng Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School habang naiuwi naman ng kalahok ng Juan R. Liwag Memorial High School ang ikalawang pwesto at triple tie naman ang mga representante mula sa Talavera National High School, Science City National High School at Nueva Ecija University of Science and Technology sa ikatlong pwesto.

Sa panayam kay Brigida Pili, Provincial Director ng Department of Trade and Industry, isa itong adbokasiya para maiparating sa mga mamamayan  kung ano ang kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang mamimili.

Ibinahagi ni pili ang walong Consumers Rights na  dapat tandaan ng publiko ito ay kinabibilangan ng Right to basic needs, Right to safety, Right to inform, Right to choose, Right to represent, Right to redress, Right to consumers education at Right to healthy environment. Ang responsibilidad naman ng bawat mamimili ay ang Critical Awareness, Action, Social Concern, Healthy Environment at Solidarity.

Samantala, binigyang parangal din ang bayan ng Talavera bilang pinakamaringal na pamilihang bayan sa buong Nueva Ecija, at isang taon na lamang ay tatanghalin na itong Hall of Fame.

Bayan ng Talavera itinanghal  na Pinakamaringal na Pamilihang Bayan sa buong Nueva Ecija

Lubos namang ikinagalak  ng ina ng Talavera na si ni Mayor Nerivi Santos ang naturang parangal dahil sa ikatlong pagkakataon ay nasungkit ng kanilang bayan ang naturang parangal.

Kaugnay nito ay pinarangalan din ang pitong Bagwis Seal of Excellence Awardees o ang mga establisyementong tumutupad sa mga batas pang negosyo na ipinapatung ng mga agencies kagaya ng DTI at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kabilang sa mga nakatanggap ng parangal ay an Pandayan Bookstore, Save More Jaen, Magic Mall 1 and 2 Super Market at iba pa. -Ulat ni Getz Rufo Alvaran