
Pinarangalan ni VM Doc Anthony Umali ng Cabanatuan City ang Team San Isidro noong Lunes para sa kanilang Back-to-back champion.
Napuno ng hiyawan ang loob ng Gymnasium sa bayan ng San Leonardo sa halos tatlong libong supporters ng Team San Isidro at Team Cabanatuan na dumayo upang masaksihan ang pinakahuling sagupaan ng dalawa sa pinakamalakas na koponan sa lalawigan pagdating sa larangan ng basketball.
Umpisa pa lang ng quarter, pahirapan na ang nangyari sa pagitan ng dalawang magkatunggali gamit ang matinding depensa. Kaya sa pagtatapos ng 1st quarter, tabla sa 18 puntos ang laban.
Pagpasok ng 2nd quarter, dikdikan pa rin ang laban. Gumana ang shooting nina Vincent Navarro, Marlon De Guzman at Nilo Gonzales ng San Isidro dahilan upang umabante ng limang puntos ang lamang sa Team Cabanatuan, 46-41.
Sa 3rd quarter, mas pinahigpit ang depensa ng Cabanatuan. Hindi nagpadaig ang mga Cabanatueños na lumobo ang lamang ng San Isidro. Sa pagtatapos ng 3rd quarter, deadlock 68 all.
Pagtuntong ng 4th quarter, mas tumindi ang tensyon sa pagitan ng Cabanatuan at San Isidro. Dikit ang iskor sa simula hanggang sa natitirang 3:59 seconds, 86-88 lamang ang San Isidro.

Team San Isidro at Team Cabanatuan sa kanilang pagtatapat sa 4th quarter kung saan mataas na ang tensyon sa pagitan ng dalawang koponan.
Sa pamamagitan ng dalawang sunod na pag drive ni Edjie Jejillos, nawala sa momentum ang Cabanatuan, 89-96 sa oras na 1:35 seconds.
Sa nalalabing isang minuto, gamit ang power move ni Gonzales, nabuhayan ng loob ang San Isidro. Sinundan ni Jejillos na may kasamang foul galing kay Tena. 96-102 sa natitirang 21 segundo.

Nasungkit muli ni Edjie Jejillos, shooting guard at Team Captain ng San Isidro ang back-to-back MVP sa 2nd Governor’s Cup Intertown Basketball League.
Agad namang bumawi si Vergara upang dumikit ang iskor sa San Isidro, 99-102.
Kinapos na ang Cabanatuan na habulin ang lamang ng San Isidro hanggang sa magtapos sa end score na 101-105.
Itinanghal na Finals Most Valuable Player si Edjie Jejillos na nakakuha ng cash prize na 10,000 pesos at trophy.
Hindi madali ang pinagdaanan ng Team San Isidro sa paliga ng provincial government upang masungkit muli ang kampeonato.
Dahil sa pagtatapos ng Elimination Round, kailangan nilang madaig sa knock-out game ang Team Bongabon para makapasok sa Final 4 ng South District.
Pagpasok ng Quarter Finals, muntikan nang matalo ang San Isidro sa Team Jaen pero sa bandang huli ay nanaig pa rin ang lakas nito.
Sa Semi-Finals, nakaharap ng San Isidro ang Team MuÑoz na siyang pinakamalakas sa North District. Pero tinalo nila ito sa do or die game na isang puntos lamang ang abante ng San Isidro.
Napahanga si Amoncio sa galing na ipinakita ng Cabanatuan.
Maluwag namang tinanggap ng Team Cabanatuan ang kanilang pagkatalo sa Team San Isidro.
Napabilib din si Vice Mayor Doc Anthony Umali ng Cabanatuan City ng mga manlalarong Novo Ecijano.
Samantala, nakuha ng Team Cabanatuan ang 1st runner-up, 2nd runner-up ang Team Rizal at 3rd runner-up ang Team Muñoz.