Matagumpay na isinagawa ang silent drill sa Midway Maritime Foundation sa kabila ng matagal na panahon na hindi ito ginawa , bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika dalawam put siyam na taon ng pagkakatatag ng naturang paaralan
Ang nasabing selebrasyon ay may temang Continuing Excellence Advocating Values Centeredness.
Ayon kay Jimmuel Roque, Direktor ng Student Affairs Administrative Head ng Midway Maritime Foundation, layon ng Silent Drill na maipakita ang Profeciency ng mga cadete sa paggamit ng rifles sa pamamagitan ng exhibition.
Bukod sa exhibition nagpamalas din ng galing sa pagsayaw ang mga kadete na nagdulot ng aliw sa mga manonood.
Dagdag pa ni Roque, sa kabila ng kaunting bilang ng mga mag-aaral sa kanilang paaralan ay patuloy pa rin ang pagdami ng kanilang mga aktibidades na nakatutulong upang mahasa pa ang kanilang mga estudyante.
Labis din ang pasasalamat nito sa lahat ng naging instrumento upang maisakatuparan ang naturang selebrasyon.
Samantala, nagkaroon din ng Boodle Fight o salo-salo sa isang masaganang pananghalian ang mahigit isang libo at walong daang Estudyante, Faculty at mga Bisita -Ulat ni Phia Sagat