Isang platoon na binubuo ng apat na pu’t apat na mga kapulisan ang nagpakita ng kanilang husay at galing sa formation bilang bahagi ng Civil Disturbance Management Competition Nationwide na ginanap sa NEPPO Gym noong Mayo 1 taong kasalukuyan.

Ang presentasyon ay mayroong  iba’t ibang formations kagaya ng single line, double line, umbrella, single wedge, double wedge, arrow and box formation.

Layunin ngKumpetisyon  na makita ang kahandaan ng kapulisan lalo na sa mga alanganing sitwasyon.

Sinimulan ang naturang aktibidad sa showdown inspection o masusing pagsusuri ng mga kagamitan ng piling kalahok, na isinagawa  ni Police Chief Inspector Cesar Jalasco Jr., Chief Counter Intelligent Section Of The Regional Intelligents Division PRO3.

Ayon kay Police Chief Inspector Jalasco Jr., very satisfied siya sa kanyang ebalwasyon dahil nakita nya ang effort ng mga kapwa kapulisan pagdating sa paghahanda  sa anumang insidenteng pwedeng mangyari sa hinaharap.

Sa panayam naman kay, Provincial Director PSSupt Eliseo Tanding, sinabi nitong ang naturang aktibidad ay isa sa pinakaimportanteng programa ng Philippine National Police bilang paghahanda ng mga bagong opisyal na isasabak sa harap ng mga ralihista.

Kung dati ay nakikita umano ang mga pulis na kulang sa mga kagamitan halimbawa na lamang ng protective head gear, body armour at shield ngayon ay nabigyan na sila ng mga de kalidad na CDM equipment na galing aniya sa pondo mismo ng  PNP.

Isinama na rin aniya ng mga miyembro ng NEPPO ang rules at policies din na dapat sundin halimbawa ang pag-iwas na makapanakit ng mga ralihista at pagpapa-iral ng maximum tolerance ng bawat isa.

Masaya naman si Police Senior Inspector Leonel B. Lozada, pinuno ng platoon na maipakita ang kanilang kakayahan dahil nagsilbi aniya itong refresher sa kanila lalo na sa mga bagong pulis.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.