Nakompleto na ang sweldo ng mahigit apat na raang (400) benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) kamakailan, kung saan natanggap na nila ang apat napong porsyento ng kanilang salary mula sa Department of Labor and Employment.

Ayon kay Nueva Ecija PESO Manager Maria Luisa Pangilinan, ang SPES ay programa ng DOLE at ang implementor ay ang Public Employment Service Office kung saan binibigyan ng 20 day summer job ang mga mahihirap na estudyante tuwing bakasyon at pasuswelduhin ng mahigit walong libong piso.

Animnapong porsyento ng sweldo ng mga benepisyaryo ay nanggagaling sa Pamahalaang Panlalawigan, habang ang apatnapo ay mula naman sa DOLE.

Nauna ng natanggap ng mga SPES beneficiaries na edad 15 pataas, ang animnapong porsyento ng kanilang sweldo mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas.

Buwan naman ng Mayo hanggang Hunyo sa susunod na taon bago magsimula ang regular classes’ ay muling magbubukas ang SPES para sa mga mahihirap na mag-aaral sa probinsya.

Karaniwang ipinadadala ang mga SPES beneficiaries sa mga Government Offices tulad ng Department of Education at Provincial Government.—Ulat ni Jovelyn Astrero