Natagpuang patay ang isang tricycle driver sa kahabaan ng Don Pedro Street barangay Bantug Norte, Cabanatuan City.

Sabog ang ulo ng biktimang nakilalang si Kenny Bong Magno y Mari, bente dos anyos, binata, residente ng Salazar Street ng nasabing barangay
Sabog ang ulo ng tricycle driver na si Kenny Bong Magno y Mari na natagpuang patay sa gitna ng kalsada sa Bantug Norte, Cabanatuan City.
Base sa report ng Cabanatuan Police Station, bandang alas nueve kwarenta’y singko ng gabi noong September 2, 2017 nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa gitna ng kalsada.
Hinihinalang tama ng bala ng baril ang natamong sugat nito sa ulo. Patuloy naman ang isinasagawang inimbestigasyon ng pinagsanib-pwersa ng Cabanatuan Police at SOCO.
Samantala, ninakawan ng mga hindi nakilalang suspek ang Pinamalisan Elementary School sa bayan ng Gabaldon.
Ayon kay Romeo Astrero y de Fiesta, kwarenta’y otso, tagabantay ng naturang eskwelahan, dakong alas singko ng hapon noong September 2, 2017 bumalik siya sa paaralan at nagbukas ng mga ilaw.

Pinasok ng magnanakaw ang Principal’s Office at Information Communication Technology Room ng Pinamalisan Elementary School sa bayan ng Gabaldon
Napansin umano niyang nakabukas ang pintuan ng Principal’s Office at Information Communication Technology Room at parehong sira ang mga door knob nito.
Pagkatapos ipaalam sa Teacher in Charge ang natuklasan ay nagsagawa ito nang imbentaryo at napag-alamang nawawala ang isang EPSON projector model EB-X04.- Ulat ni Clariza de Guzman