Malaki ang pasasalamat ni Celestina Catamisa, isa sa tatlong daang pamilyang nabigyan ng relief goods ng Pamahalaang Panlalawigan.

Relief goods ng pamahalaang panlalawigan, ipinamahagi sa mga nabaha sa sta arcadia nueva ecija

Ayon sa kanya hindi na sila nakakapagtrabaho dahil sa pagkabaha sa kanilang lugar, malaking tulong aniya sa kanyang pamilya ang relief goods na kaniyang maiuuwi.

Labis din ang pasasalamat ng ilan pang residente ng nasabing lugar kay Governor Czarina Cherry Domingo Umali, sa ipinaabot na tulong sa kanilang lugar.

Sa panayam naman ni Fernando Aranas, isa sa mga nangasiwa sa relief ng Kapitolyo, ayon sa kanaya maaayos niyang  binabantayan ang pag didistribute ng mga relief goods sa mga kabarangay niya para walang maging abirya.

Gusto niyang iparating sa Gobernadora na kung mabibigyan sila ng pagkakataon na mag karoon ng sariling cover court para may malilikasan sila sa oras ng kalamidad.

Nagpapasalamat din siya sa Gov. Cherry at Vice Mayor Anthony Umali sa tulong na natanggap nila.

Isa ang Barangay Sta. Arcadia sa mga binabaha tuwing sasapit ang matinding pag ulan na umaabot ng hanggang buwang

Samantala, bigas, noodles, dela ta at iba pa ang ilan sa mga natanggap ng mga nabahang residente ng naturang lugar. -Ulat ni Phia Sagat