Sa Ika-Tatlumpu’t Limang Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Panlungsod ay iginiit ni Vice Mayor Anthony Umali na padaluhin muna ang mga Consultant bago pagtibayin ang kanilang kontrata sa pagitan ng City Government.

Sa mungkahi ni Kon. Bong Liwag, Chairman ng Committee on Good Government, Public Ethics and Accountability, hiniling nito na mapagtibay na ang Contract of sService ni Emedita Reyes bilang Medical Consultant sa ilalim ng Departamento ng Patolohiya ng M.V. Gallego City Hospital mula July 1 hanggang December 31, 2017 bilang kapalit ni Emerlyn Velasquez.

Sa paliwanag ni Kon. Liwag, bagamat hindi man nakadalo si Reyes sa nasabing Committee Hearing ay dumating naman si Nimfa Villaroman ang Head ng Human-Resource Department.

Sa dismayadong pahayag ng Presiding Officer, ipinaliwanag nito na trabaho ng komite na suriing mabuti ang mga ordinansa at resolusyon na dumaraan sa kanilang lupon.

Suhestiyon ni Kon. Froilan Valino, pagtibayin at gawing epektibo na lamang ang nasabing resolusyon kapag dumalo na ang kasangguni, na sinang-ayunan ng buong kapulungan.

Katwiran ng Bise Alkalde, nais lamang nitong makasiguro na nag-eexist ang mga pangalan sa mga posisyon na nasa kontrata, dahil mayroon aniyang nakarating sa kanyang kaalaman na mayroong mga nakalulusot na kontrata na wala sa tamang sistema.

Dagdag nito, hindi niya tinotolerate ang mga maling gawi at sistema ng gobyerno.-Ulat ni Danira Gabriel

https://youtu.be/T7Ff2Hs9jF8