NE-TV48 News Update | August 30, 2017 | 6:00pm
Handa na ang uber magsilbi sa commuting public matapos na opisyal nang tinanggal ng land transportation franchising regulatory board (ltfrb) ang isang buwang suspensyon na ipinataw sa operasyon ng uber systems inc. Noong august 14, 2017.
Ito’y matapos magbayad ang uber ng p190 milyong multa sa LTFRB at napatunayang nabigyan ng subsidiya ang mga miyembro nitong hindi nakapag-pasada ng ilang araw dahil sa suspensyon.
Kaugnay nito, sinabi ng uber na umpisa alas-5:00 ng hapon ngayong lunes, balik na ang serbisyo ng uber at babalik na sa full-operation sa mga susunod na oras.
Sa balitang lokal, ito na ang pagkakataon ng mga couples upang maikasal ng libre sa sabado sa kasalang bayan, sa gapan city auditorium.bilang bahagi ng selebrasyon ng 16th Cityhood Anniversary ng naturang lugar.
Kaugnay nito, may mga libreng serbisyo na una ng naipahatid gaya ng medical at dental mission, free massage therapy, free manicure at pedicure, free haircut at feeding program.
Ito ay sa pangunguna ni mayor emeng pascual at ng buong pamahalaang panglungsod
NE-TV48 News Update | August 30, 2017 | 3:00PM
Lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations na maraming pilipino ang nasisiyahan sa panunungkulan ni Presidente Rodrigo Duterte.
Sa 1,200 respondents, 75% ang nagsabing natutuwa sila sa pamamahala ng gobyerno sa bansa. Samantala 11% ang dismayado at 13% naman ang undecided.
Bunga nito ay nakakuha ng +64 net satisfaction ang gobyerno sa survey na isinagawa noong June 23-26. Kumpara sa survey nitong Marso ay mas mababa ito ng dalawang puntos ngunit pasok pa rin sa kategoryang “very good”.
Para naman sa balitang lokal Nagbigay ng paalala si Dr. Benjie Lopez ng Provincial Health Office na walang dapat ikatakot sa pagkain ng itlog at karne ng manok dahil ligtas itong kainin kung nahugasan at nailutong mabuti.
Aniya, nagbigay na ng pahayag si Presidente Rodrigo Duterte at Agriculture Secretary Manny Piñol na avian influenza free ang lalawigan at walang human transmission ng virus.
Paalala ni Dr. Lopez, kung magkaroon ng bir flu like symptoms ay agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center.