Mga bituin, bumisita sa Ako ang Saklay Reformist, upang mag bigay ng inspirasyon

Ibinahagi nina Jacky Aquino, Dinky Doo, Tala at Alma Concepcion ang kanilang karanasan sa illegal na droga sa mga reformist ng Ako ang Saklay upang maging inspirasyon ng mga taong iwinaksi ang droga sa kanilang buhay.

Duterte Against Drugs representatives, nag bigay ng pagasa sa mga reformist kabila ng pagkakalugmok sa droga

Ipinakita ng mga showbiz personalities na may pa-asa pang umunlad at makapag simulang muli ang mga reformist sa pamamagitan ng pag babahagi ng kanilang karanasan sa illegal na droga at paano nila ito napagtagumpayan.

Bilang parte ng DAD o Duterte Against Drugs Campaign  na pinamumunuan ni Former Comedian at MAD o Mamamayang Ayaw sa Droga partylist coordinator Dinky Doo Clarion ipinaalala niya ang kahalagahan na maging tuloy-tuloy ang pagbabago ng bawat reformist at wag nang magkaroon ng relaps.

Alma Concepcion naging emosyonal ng ibahagi ang kanyang karanasan sa ecstasy

Naging emosyonal naman ang beauty queen actress at Ambassador of Goodwill na si Alma Concepcion ng balikan ang kontrobersyal nyang pagkakakulong sa Guam dahil sa Ecstasy na aniya ay naging daan para magising sya sa realidad na sinira ng droga ang kanyang kinabukasan.

Reformists ng Ako ang Saklay, nagpasalamat sa mga speakers na dumating sa programa

Ani ng mga reformist malaki ang naitulong nito upang mabuhayan sila ng loob lalo pa at nasa proseso pa lamang sila ng unti-unting pagbabagong buhay – Ulat ni Amber Salazar