Umabot sa 6,000 mga Mahogany sapling ang itinanim sa kahabaan ng Vergara High way sa pangunguna ng Environmental Protection Division ng Cabanatuan.

Ayon Kay Vice Mayor Doc Anthony Umali mahalaga na masundan pa ang proyektong ito at mapangalagaan ang mga itinanim na mahogany upang masiguro na hindi ito tatangayin ng baha.
Sa kooperasyon ng Philippine National Police, Liga ng mga Barangay, BFP, CSC, DILG, COMELEC, BJMP, DEpEd, CENRO, Nueva Ecija Chamber Of Commerce and Industry.

Naki isa ang bawat kawani ng City Government ng Cabanatuan sa Balik Luntian Project ng Environmental Protection Division ng Cabanatuan.
Nag tanim sa kahabaan ng Vergara Highway ang mga kawani ng gobyerno at pribadong korporasyon kung saan ang lugar na ito ang dinadaanan ng tubig katulad ng Ibabao Bana. Matatandaan na ilang mga bagyo na rin ang sumalanta sa Cabanatuan Nitong mga nakaraang taon.

Isa ang barangay talipapa sa mga binabaha. Kaya naman aktibo ang mga kawani ng barangay na magtanim sa kahabaan ng hi way.
Mas makatutulong din ito upang hindi mauka ng tubig baha ang kalsada at matangay ag mga itinanim na sapling.

Ayon kay Capitan de Regla ng ng talipapa, nais nila ay Riprap ang gawin lalo pa at isa din ang Barangay Talipapa sa dinadaanan ng tubig.
Ayon naman kay Vice Mayor Doc Anthony Umali, mahalaga na mabantayan at maalagaan ang mga Sapling na itinanim upang hindi ito mamatay o masira. Nawa umano ay maging daan ito upang masolusyunan ang pag baha sa mga lugar na pinag tamnana ng mahogany sapling.
Nais din ni Doc Anthony na masundan pa ang tree planting na ito lalo pa at marami pang lugar sa Cabanatuan city ang nasasalanta ng mga pag baha dulot ng bagyo o habagat. Nagpasalamat din si doc Anthony sa lahat ng naki isa s aprogramang ito. -Ulat ni Amber Salazar