Kasalukuyan nang pinakikinabangan ang dalawang multi-purpose gymnasium na ipinatayo ng Pamahalaang Panlalawigan sa Barangay Mapalad, sa bayan ng Sta. Rosa.
Ang una ay ipinatayo noong 2014 sa Mapalad North Elementary School, at ang ikalawa naman ay nitong 2016 para naman sa buong barangay.

PINAKIKINABANGAN NA ANG DALAWANG MULTI-PURPOSE GYMNASIUM SA BRGY. MAPALAD, STA. ROSA NA IPINATAYO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA TULONG NINA GOVERNOR CZARINA “CHERRY” UMALI AT ATTY. AURELIO “OYIE” MATIAS UMALI.
Nitong nakaraang miyerkules, kasabay ng isinagawang blessing, ay pinasinayaan na ang ikalawang gymnasium kung saan dumalo ang ina ng lalawigan na si Governor Cherry Umali na pangunahan ang ribbon cutting.
Ayon kay Kapitan Robert Ausa, malaking tulong ang ipinatayong gym sa lahat ng mamamayan ng Mapalad, lalung-lalo na sa mga kabataan.
Kwento naman ni Julieta Uleb, Head Teacher ng Mapalad North Elementary School, kung dati ay tolda lang ang gamit nila, ngayon ay mayroon na silang gym na mapagdadausan ng mga programa sa paaralan tulad ng graduation.
Ang dalawang gymnasium sa Brgy. Mapalad, Sta. Rosa ay kabilang lamang sa daang-daang gymnasium na ipinatayo nina Governor Cherry at Atty. Oyie Umali sa buong lalawigan. – Ulat ni Janine Reyes