
Lubos ang naging kasiyahan ng Guild of Novo Ecijanos Cactus and Succulents Growers ng ma-sold out ang kanilang ticket para sa Novo Synthesis Cactus and Succulents fair na sinuportahan ng mga cactus growers at enthusiasts sa lalawigan.

Nagpapasalamat si Jo Marie Belena Presidente ng Guild of Novo Ecijano Cactus and Succulents Growers dahil sa suporta ng mga dumalo sa Cactus and Succulents fair na umabot sa 300 katao. Hindi aniya nya akalain na kukulangin ang 200 ticket na kanilang inihanda at aabot sa 300 katao ang pupunta sa event na ginanap sa Old Capitol Auditorium.
Marami din na bentang cactus and succulent si Flordeliza Bautista na 2010 pa lamang ay nagpaparami ng cactus bilang isang hobby at business na rin.
Naka display sa fair ang iba’t ibang uri ng cactus at succulents mula sa mga rare hanggang sa mga common at kakaibang uri ng cactus na mayroong ibinebenta at naka exhibit. Nagkaroon din ng raffle at seminar para sa mga nais mag alaga ng cactus at succulents.


May mga uri ng halaman katulad ng succulents na magandang alagaan sa loob ng bahay katulad ng aloe vera at snake plants na ilan sa mga kilalang halaman na tinaguriang mga air purifiers.

Para sa mga cactus growers hindi lamang nakatutulong sa kalikasan ang pag aalaga ng cactus at succulents dahil ito ay isang magandang hobby na nakaka relax at bagay sa mga taong busy dahil madalang lamang ang pag didilig sa mga ito. – Ulat ni Amber Salazar