Napakahalaga ng tubig sa buhay ng tao, hindi tayo mabubuhay kung walang tubig. Marami itong nagagawa para sa atin, hindi lamang tayong mga tao ang nakikinabang dito, kundi maging hayop at halaman.

DENR NUEVA ECIJA, HINIHIKAYAT ANG MGA KABATAAN PARA PAHALAGAHAN ANG YAMANG TUBIG.

Tuwing march 22 ipinagdiriwang ang world water day ngayong taon, may tema itong “water and waste water”

Sa ginanap na selebrasyon ng denr-nueva ecija sa robinson cabanatuan city, naglunsad ng poster making contest kung saan lumahok ang mga mag-aaral ng nueva ecija high school, sto domingo, munoz at iba pa.

Ayon kay pio-denr –penro ng nueva ecija, ito ay imulat ang mga kabataan na pahalagahan ang tubig na nagbibigay buhay at maiwasan ang mga maling paggamit nito.

Base sa datos ng world health organization nasa 663 milllion na katao ang namumuhay ng walang malinis na supply ng tubig, umiigib sa malalayong lugar at gumagamit ng kontaminadong tubig na nakakaapekto sa kanilang kalusugan.

Ayon kay jimmy aberin denr southern ng nueva ecija, ang paggamit ng mga tubig sa poso ay safe o ligtas pa sa baryong lugar dito sa lalawigan hindi katulad sa mga matataong lugar dito sa cabanatuan dahil sa paglalim ng penetration ng waste water sa siyudad, mainam pa na bumili nalang ng mineral water o kaya naman ay pakuluan ito.

– Ulat ni Phia Sagat