Binigyang parangal ng Nueva Ecija Police Provincial Office si Pma Class of 2017 Topnotcher Cadet First Class Rovi Mairel Martinez kasama pa ang ibang graduates ng Philippine Military Academy na nagmula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Binigyang Parangal ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Superintendent Antonio Yarra si Pma Class of 2017 Topnotcher Cadet First Class Rovi Mairel Martinez kasama ang iba pang Graduates ng PMA.

Sa kanyang speech sinabi ni Rovi na hindi lang mga lalaki ang pwedeng pumasok sa Military Academy maging ang mga kababaihan ay pwedeng magpakita ng lakas at katatagan upang magsilbi sa bansa.

Ayon kay Rovi, hindi naging madali ang pinagdaanan nya sa pag-abot ng  kanyang pangarap pero naging motivation ng dalaga ang kanyang pamilya na laging nakasuporta sakanya.

Sa panayam kay Police Superintendent Antonio Yarra, Nueva Ecija Provincial Director magsisilbing Role model sa mga kabataan na gustong maging sundalo at magsilbi sa bansa ang mga graduates ng Philippine Military Academy na mula sa Nueva Ecija.

Samantala, plano ni rovi na magaral sa US Naval War College sa Rhode Island pagkatapos ng graduation kung saan nakakuha ang dalaga ng scholarship sa naturang paaralan.

Balak din niya na sumali sa Philippine Navy at maipagtanggol ang Territorial waters ng bansa.

Sinabi ni rovi na “huwag tayong matakot humarap” kaugnay ng pinag aagawang West Philippine sea ng Pilipinas at China. -Ulat ni Majoy Villaflor