Iminungkahi ni Cabanatuan City Coun. Gave Calling na ipagbawal na ang mga motorsiklong may modified mufflers o sound boosters dahil sa panganib na dala ng noise pollution sa kalusugan ng tao.
Sa ilalim ng Ordinance No 001-2017 o “Anti-muffler Modification Ordinance of 2017.” Nilalayong makontrol ang ingay sa daan sa pamamagitan ng pagbabawal ng mga sasakyan sa paglabas ng mga tunog na higit sa 84 decibels.
Ayon sa pag-aaral, ang sobrang expose sa ingay ay posibleng magdulot ng pagkabingi. Maaari ring magkasakit tulad ng high blood pressure, cardiovascular changes, problema sa digestive system at general fatigue.
Ang sinumang lalabag, ay pagmumultahin ng isang libong piso sa 1st offense, dalawang libong piso sa second offense, tatlong libong piso sa 3rd offense at limang libong piso at pagkakakulong nang hindi hihigit sa limang araw sa 4th offense.
Sa ngayon, ay aprubado na sa unang pagbasa ang naturang panukala. –UALT NI DANIRA GABRIEL