Patuloy na kinukumbinsi ng pitong Konsehal si Vice Mayor Anthony Umali na mai-kalendaryo ang panukalang pag-amyenda ng Internal Rules sa Ika-Sampung Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan.

Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, naiintindihan niya ang mga Konsehal. Ngunit, tinalakay na aniya ang naturang usapin at pinal na siyang nakapag desisyon para dito.

Bukod pa, sa masiyado ng naaantala ang mga nakararaang sesyon dahil sa paulit-ulit na pagtutulak sa naturang panukala.

Dagdag pa ng Bise Alkalde, napakaraming nakabinbin na panukala sa mga komite na mas dapat unahin at gawing prayoridad.

Pahayag naman nina Kon. Nero Mercado at Kon. Gave Calling sa kanilang mga kapwa Konsehal, kung ito man ang nasa posisyon ni Vice Mayor Umali ay maiintindihan din nila ang desisyon ng Bise Alkalde.

Sa huli, pakiusap ni VM Umali huwag ng igiit pa ang naturang panukala dahil hindi aniya maikakaila na marami ng nasaktan at naapektuhan dahil sa pagsusulong nito.

Sa kasaysayan ng Lungsod ng Cabanatuan sa ilalim ng tatlong terminong pamumuno ni City Mayor Jay Vergara ay natatanging si VM Anthony Umali lamang ang naiupo na hindi niya kapartido. –Ulat ni Danira Gabriel