Inilahad ng Department of Health at Philippine National Police ang kanilang Accomplishment tungkol sa Anti-Illegal Drugs Campaign, sa Quarterly meeting ng Peace and Order Council na ginanap sa Sierra Madre suites, Palayan City.

Inilathala ng Department of Health at Philippine National Police ang kanilang Accomplishments kaugnay sa anti-illegal Drugs Campaign.
Ayon kay Police Superintendent Antonio Yarra, Nueva Ecija Provincial Director sa Tatlum’put-tatlong bahay pagbabago umabot na sa 2,175 ang nakagraduate para sa Reformation program.

Ayon kay Superintendent Antonio Yarra sa 33 bahay pagbabago 2,175 na ang nakagraduate para sa Reformation Program.
Sa Accomplishment ng PNP sa Double Barrel mula July 1, 2016 hanggang February 2017, nakapagtala ng 28,460 Surrenderers, 903 ang naaresto at 26 ang napatay na may kabuuang 29,389.
Sa isinagawang Drug Clearing Operation ng Neppo, out of 849 Barangays sa buong Nueva Ecija 580 o 75.42 Percent na sa mga ito ang Cleared barangays.
Ipinaliwanag ni Pd Yarra na nangunguna sa pangunahing dahilan ng kriminalidad ang paggamit at pagkalulong sa droga.
Sa pinakahuling Update ng PNP sa mga kriminalidad sa Nueva Ecija dahil sa pagsugpo sa droga as of January to February 2017 bumaba ng 18 percent ang kaso ng krimen sa lalawigan na mayroong 254 Index Crime kumpara noong July to December 2016 na umabot sa 370.
Ang Cabanatuan City ang pinakamataas na kaso ng krimen sa Nueva Ecija partikular na sa Robbery Crime, Theft Crime, Physical Injury at Carnapping dahil halos kalahati na ng populasyon sa lalawigan ang nasasakop nito.
Dagdag pa ni Yarra, sa suporta ng pamilya ng mga Drug surenderees at mga Health expert matutulungan ang mga ito na mapadali ang pagbabalik loob sa panginoon at pagbabagong buhay.
Sumunod na nagpresinta ang Department of Health.
Ayon kay Dr. Edwin Santiago, as of February 2017 umabot na sa 5,006 ang Drug surrenderers na dumaan sa Assessment ng mga Rural Health workers ,karamihan sa mga ito ay kalalakihan na may edad Tatlumpo hanggang apat napu’t lima.
Sa lalawigan ng Nueva Ecija may kabuuang 95 Health Professionals na ang sumailalim sa Training para sa Screening ng mga Drug surrenderers. -Ulat ni Majoy Villaflor