Ibinida ng mga mag-aaral ng Schuller Christian Academy ang kanilang mga imbensyon na nagpanalo sa kanila sa katatapos na National Children’s Science Congress na ginanap sa Laguna.
Ayon kay School Principal Nympha Ramirez, limang magkakasunod na taon na nilang naiuuwi ang gold medal sa Robotics Category at apat na magkakasunod na taon na rin nilang nasusungkit ang gold medal sa Science Investigatory Project sa National Competition.

Talas ng isip at bilis ng mga kamay, ito ang nagpanalo kay Xylia Magbitang na inabot lamang ng 30 minuto upang iassemble at paganahin ang kanyang prototype Smart Car, sa National Children’s Science Congress.
Ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na nakakuha ng pwesto ang kanilang paaralan sa Quiz bee, kung saan nabingwit nila ang 2nd place o silver medal.
Dagdag ni Ramirez, ang Schuller Christian Academy ang kauna-unahang eskwelahan na nag-adapt ng Robotics sa curriculum sa buong Region III.
Sa loob ng tatlumpong minuto ay naassemble at napagana ng labing dalawang taon na si Xylia Magbitang ang kanyang imbensyon na prototype smart car na ikinapanalo nito.
Ayon kay Dranreb Mandia, IT Teacher at Robotics coach, kinabisado ni Xylia ang may mahigit isang daang pahina ng pattern upang mailagay sa tamang mga posisyon ang may mahigit isang libong piraso ng lego upang mabuo ang naturang imbensyon.

Improvised Power Generator, ito ang nagpanalo sa labing dalawang taong gulang na sina Andrea Jane Gaspar at Darlene Fiona Briones sa Science Investigatory Project Team category.
Kakaibang imbensyon din ng improvised generator ang ikinapanalo ng Grade 6 students na sina Andrea Jane Gaspar at Darlene Fiona Briones sa Science Investigatory Project Team category.
Bagaman malayo sa pagiging sayantipiko ang pangarap ng mga mag-aaral na ito ay nahubog sila ng kinabibilangang paaralan upang makabuo ng sariling imbensyon na nakatulong sa kanila upang mas matutunan at maunawaan ang siyensya, sa tulong na rin ng kanilang mga guro at mga coaches na sina David Javier at Marren Talania.

Naiuwi ng Grade 3 student na si Paul Niño Victorio ang silver medal sa Quiz bee competition.
Proud naman sa kanyang nakuhang award ang magulang at ang kanyang coach na si Lochi Ombrog ng mahiyaing Grade 3 student na si Paul Niño Victorio na nag-iwan din ng mensahe sa mga kabataang katulad niya. Ulat ni Jovelyn Astrero