Iniluklok sa ginanap na seremonya ng 27th Public Installation ang mga bagong opisyal ng Kapitan Pepe Lodge No. 293 for Masonic year 2017, sa pangnguna ni Worshipful Master Francisco Salazar Jr.
Sa harap ni Installing Officer Malcolm Garma, pinalitan sa posisyon ni Salazar si Outgoing Worshipful Master Marlito Riparip.
Kabilang sa mga elected and appointed officers sina Senior Warden Robert Suguitan at Junior Warden Albert Corpuz.
Nagsilbing Guest of Honor and Speaker si Governor Czarina Umali sa installation na may temang “Personify Freemasonry, be the better person through the best way. Think, Act, and Speak the Mason way.”

Si Worshipful Master Francisco Salazar Jr. at Former WM Marlito Riparip.
Sa mensahe ng gobernadora ibinahagi nito kung paanong natutunan niya sa pamamagitan ng kaniyang kabiyak na si Former Governor Aurelio Umali na isang mason at dating master ng Kapitan Pepe Lodge ang paglilingkod ng totoo, matapat, walang inaasahang gantimpala; at may malasakit sa kapwa.
Kasamang dumalo ng ina ng lalawigan si First Gentleman Oyie Umali at kapatid nito na si Cabanatuan City Vice Mayor Anthony Umali na kapwa miyembro at dating pinuno ng mason na nagbigay ng payo sa bagong itinalagang Worshipful Master Salazar.
Binigyang diin naman ng dating gobernador ang kahalagahan ng mga katangian ng pagiging isang mason katulad ng kababaang loob, at pagiging mapagpatawad, na nagpapatatag sa kanilang kapatiran.- ulat ni Clariza de Guzman