Sa naganap na laban noong March 20, 2017 tinalo ng Barangay Ma. Theresa ang koponan ng Sanbermicristi.

Brgy Ma. Theresa tinambakan ang Brgy Sanbermecristi sa basketball league noong lunes
Nagpakitang gilas na kaagad sa first quarter pa lamang ang Ma. Theresa na dinoble ang puntos ng kalaban sa score na 16-08.
Pagdating sa final quarter naging-gitgitan na ang laban sa loob ng court, dahil ninais na makahabol ng Barangay Sanbermecristi ngunit, mas lumakas pa ang depensa ng mga manlalaro ng Ma. Theresa at hindi na pinaporma ang katunggali. Nagtapos ang laro sa score na 62-56 pabor sa barangay Ma. Theresa.
Samantala, sa ikalawang laro nanalo ang Mabini Homesite kontra Mabini Extension sa puntos na 51-49.
Habang sa ikatlong laro ay nagwagi naman ang Barangay Camp. Tinio laban sa Barangay Bangad sa score na 72-62.
Idineklarang default naman ang Barangay Lourdes at Obrero, dahil sa hindi pagdalo sa kanilang laro. Kaya owtomatikong panalo ang kanilang kalaban ng mga Barangay Bakero at Valdefuente.
Sa panayam ng Balitang Unang Sigaw sa ilang manunuod pinuri ng mga ito ang proyekto ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Czarina Umali.
Ayon kay Tommy Manalo, dahil sa palaro, natututo ang mga kabataan na makipagkaibigan sa kanilang kapwa basketbolista.
Kaya mga Cabanatueno, abangan pa ang mga barangay na magtatagisan sa loob ng court sa inter-barangay basketball league ng Cabanatuan City sa susunod na mga araw. –Ulat ni Phia Sagat