Napuno ng hiyawan ang Umali Gym sa Munisipyo ng Bayan ng Gabaldon ng ianunsyo ang kampeon sa Street Dancing Competition 2017, na bahagi ng kanilang selebrasyon ng 6th Gulayan Festival.

Kampeon sa katatapos na Street Dancing Competition ang Gabaldon Vocational Agriculture High School, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-anim na Gulayan Festival 2017.

Kampeon sa katatapos na Street Dancing Competition ang Gabaldon Vocational Agriculture High School, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-anim na Gulayan Festival 2017.

   Naiuwi ng Gabaldon Vocational Agriculture High School ang kampeonato na nakakuha ng 10,000 pesos, 2nd placer naman ang NEUST Laboratory High School na may 7000 pesos, 3rd placer ang Francisco Buen Camino Sr. Integrated School na nakakuha ng 5000 pesos, at 4th placer ang Ligaya National High School na nag-uwi ng 3000 pesos.

   Ayon kay Mayor Rolando Bue, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng kompetisyon sa street dancing sa kanilang bayan, kung saan ang apat na kalahok ay pinagkalooban ng tig-50,000 pesos worth of projects, maliban pa sa premyong kanilang nakuha mula sa patimpalak.

   Dagdag ni Mayor Bue, ang tig-50,000 pesos na ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan sa apat na kalahok na kinuha mula sa kanilang pondo sa 20% Development Program ay maaaring magamit ng mga naturang eskwelahan para sa pagsasaayos ng kanilang mga water system, comfort room o anumang proyekto para sa lalo pang ikagaganda ng kanilang mga paaralan.

   Labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ng GVAHS sa LGU-Gabaldon, dahil sa nakamit na papremyo at tropeo sa Street Dancing Competition.

   Samantala, back-to-back champion naman ang Barangay Bagting sa Gulayan Festival Float Competition na nag-uwi ng 10,000 pesos cash plus 150,000 pesos worth of project mula sa Lokal na Pamahalaan ng Gabaldon.

Gawa sa kamatis, kalamansi, munggo at mais ang float na nagpanalo sa ikalawang pagkakataon sa Brgy. Bagting sa ginanap na 6th Gulayan Festival Float Competition sa Bayan ng Gabaldon.

Gawa sa kamatis, kalamansi, munggo at mais ang float na nagpanalo sa ikalawang pagkakataon sa Brgy. Bagting sa ginanap na 6th Gulayan Festival Float Competition sa Bayan ng Gabaldon.

   Ayon kay Kapitan Edwin Lacandoza, hindi naging hadlang ang pagtama ng sunod-sunod na kalamidad sa kanilang lugar upang makuha sa ikalawang pagkakataon ang kampeon sa Float Competition dahil na rin aniya sa pagtutulungan ng kanyang mga kabarangay.

   Nagwagi naman bilang 2nd placer ang Brgy. Ligaya na nag-uwi ng 7000 pesos at 3rd placer naman ang Brgy. Bugnan na nakakuha ng 5000 pesos cash prize, habang nakatanggap naman ng consolation prizes ang labing dalawang lumahok na hindi pinalad manalo. –Ulat ni Jovelyn Astrero