Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan ang Annual Budget for Fiscal Year 2017 ng dalawampung barangay. Ayon kay Vice Mayor Anthony Umali, kaisa sila sa hangarin ng bawat kapitan na mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga barangay.
Inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ng Cabanatuan sa Ikatlong Regular Session ang Annual Budget for Fiscal Year 2017 ng dalawampung barangay.
Ito ay kinabibilangan ng Brgy. San Josef Norte, Brgy. Isla, Brgy. San Juan Accfa, Brgy. Palagay, Brgy. Fatima, Brgy Caudillo, Brgy. Polilio, Brgy. Sumacab Este, Brgy. Caalibangbangan, Brgy. Lote, Brgy. Bakero, Brgy. Sanbermicristi, Brgy. Camp. Tinio, Brgy. Cruz Roja, Brgy Bagong Sikat, Brgy Ma. Theresa, Brgy. Pangatian, Brgy. Quezon Dist., Brgy. Caridad at Brgy. Pamaldan.
Matatandaan na sa ginanap na Committee Hearing, noong January 12, 2017, isinangga ng mga kapitan ang kanilang mga panukalang proyekto na ang karamihan ay nakatuon sa pagpapagawa at pagsasaayos ng mga barangay hall, covered court, health centers at drainage canal.
Sa pahayag ni Vice Mayor Anthony Umali, binigyang diin nito na kaisa ang Sanggunian sa hangarin ng mga kapitan na maisakatuparan at mapabuti ang kalagayan ng bawat barangay sa lungsod.
Nakatakda naman ang budget hearing para sa Annual Budget for 2017 nang panibagong sampung barangay sa mga susunod na araw. –Ulat ni Danira Gabriel