Labindalawang nag-gagandahang dilag mula sa Iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ang nagpagalingan sa angking talento, at pagrampa sa entablado.
Ilan sa mga kandidata ay nagpakita ng kanilang galing sa pag-sayaw, pagkanta, pag-arte at pagpinta.

Labindalawang kandidata ng Mutya ng Dayami Festival sa kanilang Casual attire
Hindi lamang sa talento nagpakitang gilas ang mga dalaga maging sa pagrampa suot ang puting bestida na may desinyong bulaklak sa Casual wear competition.
Nagpatalbugan rin ang mga kandidata pagdating sa pagsagot sa casual interview.
Wagi sa casual competition si candidate number 4 shyr jane balagtas.
Dahil sa husay sa pagpipinta, naiuwi ni Candidate # 6 Ann Airene Fabian ang titulo bilang Best in Talent.
Habang 2nd Placer naman si Candidate number 11 Chrischelle Marañon, at 1st Place si Candidate number 10 Rica Jane Macapagal. -Ulat ni Majoy Villaflor