
Si Konsehal Ariel Severino, kumandidatong Bokal ng 3rd District ng Nueva Ecija habang nagpa-file ng SOCE sa Comelec.
Maghapong nakabukas kahapon,ang tanggapan ng Provincial Comelec ng Nueva Ecija upang hintaying maghain ng SOCE o statement of campaign expenditures ang mga kumandidato noong nakaraang eleksyon.
Apatnapo’t tatlong kandidato ang lumaban sa probinsiya para sa posisyon ng gobernador, bise gobernador, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga kinatawan ng apat na distrito.
Ngunit 2:00 ng hapon, sampong kumandidato pa lamang ang nakapagdedeklara ng kanilang mga nagastos sa kampanyahan sa kabila ng itinakdang palugit nagyong araww, June 8, 2016.
Isa sa mga naabutan ng team ng Balitang Unang Sigaw na nagsusumite ng kanyang SOCE si konsehal Ariel Severino ng Cabanatuan City na tumakbong Board Member ng 3rd District ng lalawigan.

Php3.00 kada isang botante lamang ang pinapayagan sa batas na gastusin ng kandidato na may suporta ng partido, kabilang ang mga political paties, at partylist groups, habang Php5.00 para sa mga walang suporta.
Ayon kay Konsehal Ariel, gumasta siya ng mahigit isandaang libong piso sa pangangampanya na galing sa kanyang sariling bulsa.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, lahat ng mga indibidwal at mga grupong kumandidato, nanalo man o natalo, ay inaatasang magdeklara ng kanilang mga nagastos sa pamamagitan ng pagpapasa ng SOCE sa Comelec.
Tatlong piso bawat botante lamang ang pinapayagan ng ating batas na gastusin ng isang kandidato na may partido, at limang piso para sa mga wala.
Kapag nabigo ang isang kumandidato na maghain ng kanyang SOCE ay maaari itong pagmultahin o kaya ay hindi payagang makaupo sa pwesto. –ulat ni Clariza de Guzman