Nasa loob ng kanilang tindahan ang mag-asawang Mindero ng pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki si Lito gamit ang isang M-16 rifle.

Nasa loob ng kanilang tindahan ang mag-asawang Mindero ng pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki si Lito gamit ang isang M-16 rifle.

Patay ang isang mister matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa harap ng kanyang misis sa Purok uno, sa barangay Gulod, bayan ng Talavera.

Kinilala ang nasawing biktima na si Lito Mindero y Jesus, 51-anyos, negosyante, naninirahan sa naturang lugar.

Base sa imbestigasyon ng Talavera Police Station, 2:30 ng hapon, habang nasa loob ng kanilang tindahan ng bigas si Lito kasama ang asawang si Rizaliza, dumating ang isang kulay dark gray minivan na walang plaka.

Bumaba mula sa nasabing sasakyan ang dalawang suspek at bigla na lamang niratrat ng malapitan ang biktima gamit ang isang M-16 rifle.

Mabilis na tumakas ang mga salarin makaraang maisagawa ang krimen patungo sa town proper ng Talavera.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa lungsod naman ng Cabanatuan, magkasunod na araw na nilooban ng mga kawatan ang bahay ng isang retired teacher at opisina ng isang businessman.

Ang loob ng kwarto ng retired teacher na si Conchita Palomo na pinasok ng mga magnanakaw.

Ang loob ng kwarto ng retired teacher na si Conchita Palomo na pinasok ng mga magnanakaw.

Kinilala ang may-ari ng unang tahanan na si Conchita Palomo y Florez, 69-anyos, may asawa, retiradong guro, ng Block 10, Lot 31, Imperial Homes, sa barangay Bakod Bayan.

Habang ang negosyanteng si Richard Quesada y Jardiel, 36-anyos, may asawa, ay ang may-ari naman ng RS Quesada Marketing sa Diego Building, Maharlika Highway, Magsaysay Norte.

Batay sa ulat ng pulisya, natuklasan na napasok ang bahay ni Palomo at tanggapan ng RS Quesada sa pamamagitan ng pagwasak ng mga magnanakaw sa padlock ng gate at mga pintuan.

Nilooban ng mga kawatan ang opisina ng RS Quesada sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng main door.

Nilooban ng mga kawatan ang opisina ng RS Quesada sa pamamagitan ng pagsira sa padlock ng main door.

Tinangay ng mga hindi nakilalang suspek sa tahanan ni Palomo ang mga alahas at Php 20, 000.00 cash.

Samantala, kinuha naman ng mga magnanakaw sa opisina ni Quesada ang dalawang unit ng Samsung iPod J2, isang Samsung Note 2, Samsung Note 4, iPhone 4S, apat na unit ng Samsung cell phones, at isang paris ng wedding ring.- ulat ni Clariza de Guzman.