Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Provincial Anti-illegal Drug Convenors at Provincial Government sa idaraos na “Nueva Ecija Anti-illegal Drug Summit” sa darating na September 16, 2016.
Pinaplantsa na ng Anti-illegal Drug Convenors at Provincial Government ang magiging programa at presentasyon sa Drug Summit na lalahukan ng Local Chief Executives, mga punong barangay, City/Municipal Health Officers, Nurses, Chief Of Police at SB Members Chairman Committee on Peace and Order.
Ayon kay Chairman Aurelio “Oyie” Umali ng Anti-illegal Drug Convenors, ang iligal na droga ay isang seryosong sakit ng lipunan na dapat gamutin. Aniya, kailangan magkaisa ang pamahalaang lokal at nasyunal, non-government organizations, religious, private and business sector at media upang mapagtagumpayan ang kampanya kontra iligal na droga.
Binabalangkas na rin ng grupo ang programa para sa mga surenderees na magiging paksa sa naturang drug summit.
Samantala, itinalaga na rin ang Ako ang Saklay Inc. Bilang katuwang ng Anti-Illegal Drug Convenor at Pamahalaang Panlalawigan sa pagresolba ng iligal na droga sa probinsiya.
Ang Ako ang Saklay ay grupo ng mga medical, social, psychological, police lawyer at religious volunteers na mula sa non-government offices, ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor na nagbibigay ng community based recovery program para sa mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.
Naniniwala si Chairman Umali na kung ang lahat ng sektor ay nagtutulungan wala umanong imposible upang makamtan ang layunin na maging drug free ang buong probinsiya. -Ulat ni Danira Gabriel