Mahigit 150 Mga security personnel ang nag martsa at dumaan sa inspeksyon.

Mahigit 150 Mga security personnel ang nag martsa at dumaan sa inspeksyon.

   Ipinakita ng 150 mga security personnel ang kanilang kahandaan at disiplina sa Annual Joint Tactical Inspection para sa mga security personnel sa Sm City Cabanatuan at SM Mega Center. Naging masusi ang pag iinspeksyon sa mga gamit at kaalaman ng mga security personnel upang malaman kung papasa ba sila sa standards ngsupervisory office for security and investigation ng Philippine National Police (PNP)  at ng kumpanya.

Ininspeksyon ang mga gamit ng mga Security Personnel upang malamn kung papasok ba ito sa Standard ng PNP at ng SM management.

Ininspeksyon ang mga gamit ng mga Security Personnel upang malamn kung papasok ba ito sa Standard ng PNP at ng SM management.

Naging matagumpay naman ang Joint Tactical Inspection. Ayon kay Carlo Caratao CRS regional manager for north 5 and north 3 region ng  SM, ang bawat puna ay gagamitin nilang gabay upang maisaayos at mapalakas ang  pwersa ng security personnel ng SM.
   Idinetalye naman ni Sir Caratao ang mga karaniwang uri ng emergency sa mga malls katulad ng Pick pocketing, pag nanakaw sa mga gamit sa sasakyan sa parking at ang shop lifting.

   Nag iwan naman ng hamon si PD Cornel para sa  mga Security personnel upang lalo pang mapaguti ang kanilang trabaho. Inaasahan ni PD Cornel na mapapanatili ng mga Security Personnel na Zero incident sa SM Mega Center at SM Cabanatuan City sa loob ng isang taon – ulat ni Amber Salazar