Dinaluhan ng mga estudyante at guro ang kauna-unahang Rural Impact Resource Workshop kung saan isa sa goal nito ay ang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na masubukan ang online jobs. kaya naman maging ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ay pumunta sa Araullo University Gymnasium kung saan ginanap ang seminar.

INILUNSAD NG PROVINCIAL GOVERNMENT PARA SA MGA NAGNANAIS KUMITANG ESTUDYANTE ANG RURAL IMPACT SOURCING WORKSHOP
Ang workshop na ito ay malaki ang maitutulong hindi lamang sa mga estudyante na nagnanais masubukan ang online business o kaya naman ay iba’t ibang trabaho na maaari nilang gawin online kundi makatutulong din ito sa pangangailangan nila at gastusin sa paaralan. Dahil sa mayroong free time ang mga estudyante makatutulong ang online job upang maokupuna nito ang mga free time ng mga estudyante sa produktibong paraan. Hindi lamang ito bukas sa mga estudyante kundi pati na rin sa mga tao may edad 18 pataas upang magamit ang kanilang kaalaman online upang kumita ng pera.
Ayon din sa mga estudyante nais nila itong subukan lalo pa at malaki ang maitutulong nito upang magkaroon ng experience sa online job ang mga estudyante bago pa man ito makatapos ng pag aaral.

GAGAMITIN NG GJC ANG KAALAMAN NA ITO UPANG MAKATULONG PA SA MGA ESUDYANTENG NAIS MAG TRABAHO
Ayon kay doctor marlon head ng IT Department ng General De Jesus College. Magandang opportunity din ito upang magamit ang mga computer sa mga eskwelahan upang magamit sa online jobs ng mga kabataan na nagnanais pumasok sa ganitong uri ng trabaho at makatulong na rin sa pinansyal nilang pangangaiangan -Ulat ni Amber Salazar