Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamamagitan ni Governor-elect Czarina “Cherry” Umali  ang isang bagong dental bus mula sa Department of Health.

Ang bagong mobile dental unit na kaloob ng DOH sa Provincial Government ng Nueva Ecija.

Ang bagong mobile dental unit na kaloob ng DOH sa Provincial Government ng Nueva Ecija.

     Sa ginanap na turn-over ceremony sa DOH-Center for Development 3 sa San Fernando, Pampanga, iniabot nina DOH Secretary Janette Loreto-Garin, at DOH Regional Director Leonita Gorgolon ang isang simbolikong susi kay Governor-elect Cherry Umali.

      Nakiisa rin sa seremonya sina Assistant Regional Director Louellah Estember, at Provincial Health Office Chief Dr. Benjie Lopez.

     Ayon kay Dr. Lopez, isa sa mga napapabayaan ng gobyerno ang oral/ dental health program kaya naman kasama ito sa mga prayoridad ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali, at kanyang asawang si out-going Congresswoman Cherry.

Sina Governor-elect Cherry Umali at hepe ng PHO Dr. Benjie Lopez, habang pinag-uusapan ang mga programang pangkalusugan ng kapitolyo.

     Ang pangangalaga sa kalusugan ng ngipin at bibig ay nakapaloob sa programa ng Tanggapan ng Panlalawigang Pangkalusugan katuwang ang mga rural health units, at local government units.

     Gagamitin sa mga outreach program ang dental bus upang maging accessible o makaabot sa mga mamamayan ang mga serbisyong pangkalusugan kasama na ang pagbibigay ng mga impormasyon sa pangangalaga sa ngipin at bibig.

May 2 dental chairs, autoclave sterilizer, at hand materials ang loob ng dental bus galing sa DOH.

May 2 dental chairs, autoclave sterilizer, at hand materials ang loob ng dental bus galing sa DOH.

     Sa pamamagitan ng mobile dental unit na kaloob ng DOH, kahit ang malalayong lugar at komunidad sa Nueva Ecija ay mapupuntahan na.

     Kumpleto sa mga kagamitan ang bus na may dalawang dental chairs, autoclave sterilizer, at hand materials. Ang mga gamot at iba pang kagamitan na lamang umano na may expiration ang counterpart o sasagutin ng lokal na pamahalaan.

     Hindi na lang pagbubunot ng ngipin ang serbisyong ihahatid sa mga mamamayan. Matutugunan na rin ang mga pangangailangan sa pagpapalagay ng pasta, at pagpapalinis ng mga ngipin.- ulat ni Clariza de Guzman