Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang switch-on ceremony ng mahigit isang libong sitio sa Central Luzon, na ginanap sa Talavera, Nueva Ecija.

     Sa ilalim ng Sitio Electrification Program o SEP ng administrasyong aquino na sinimulan pa noong taong 2011, ang kabuuang bilang na 32,441 sitio na kailangan pailawan sa buong bansa.

    Sa kasalukuyan, ay umaabot na sa 32,862 sitio o katumbas ng 98.2% na ang nabigyan ng katuparan ng nasabing proyekto.

    Ipinagmalaki ni Pangulong Aquino, na sa susunod na buwan ng Marso ay abot kamay na ang target na isang daang porsyento ng naturang programa.

    Sa region III, maiilawan na ang 1,197 kanayunan na kinasasakupan ng mga probinsiya ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bataan at Zambales, na may kabuuang halaga na P1.873 billion.

    Sa tulong ng programa, ay mabibigyan na ng normal at marangal na pamumuhay ang mga residente sa mga kanayunan. Bukod pa sa mga mabubuksang negosyo at trabaho upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga mamamayan.

    Nakasama ni Pangulong Aquino sa ceremonial switch-on sina Administrator Editha Bueno(NEA), Sec. donato marcos(DOE), Sec. Ramon Paje(DENR), Gov. Aurelio Umali at Mayor Nerivi Santos-Martinez.

     Katuwang ng pamahalaan ang labing tatlong Electric Cooperatives(EC) sa naturang proyekto, na kinabibilangan ng AURELCO, TARELCO I and II, NEECO I, NEECO area 1 and 2, PRESCO, PELCO I, II and III, PENELCO at ZAMECO I AND II. -Ulat ni Danira Gabriel