
Programa ng pamahalaang panlalawigan na Free Optometric Services malaking tulong sa mga novo ecijano para sa lahat ng may mga karamdaman sa kanilang paningin.
Sa loob ng dalawang araw na Optical Checke up ay nabigyan ng libreng check up ang walumpung novo ecijanong may iniindang suliranin sa mata tulad ng panlalabo ng paningin na nagmula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan ng Nueva Ecija.
Isa si alingCchristina ng Magsaysay Norte Cabanatuan City, sa nabigyan ng libreng check up, aniya tatlong taon na niyang idinadaing ang kanyang karamdaman sa mata, kaya ng mabalitaan nila na may libreng salamin ang pamahalaang panlalawigan para sa mga novo ecijano ay agaran siyang pumunta sa elj hospital para mapa lista.
Noong araw ng huwebes ay sumalang na sa check up si aling christina, kaya’t laking pasasalamat niya sa ina ng lalawigan Governor Czarina “cherry” Umali dahil sa programa nito.
Nagpapasalamat naman si Dr. Mario Flores Consultant ng Free Optometric Service sa lahat ng mga beneficiary sa patuloy na pagtangkilik sa programa ng pamahalaang panlalawigan para sa lahat ng mga novo ecijano.
Samantala, ang kanilang salaman ay makukuha nila matapos ang isang linggo, dahil ipinapadala pa ito sa manila. -Ulat ni Phia Sagat