
Naaresto ng mga pulis si Jaypee Mendoza matapos manaksak ng isang kasambahay sa barangay Gomez, Llanera.
Llanera- Arestado ang isang lalaki matapos nitong manaksak ng isang kasambahay sa barangay Gomez.
Nakilala ang suspek na si Jaypee Mendoza y Selga, 28-anyos, may asawa, magsasaka.
Habang ang biktimang hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Gloria Selga y Garcia, 43, kapwa residente ng naturang lugar.
Ayon sa ulat, alas kwatro ng madaling araw nakatanggap ng tawag ang istasyon ng pulisya tungkol sa pananaksak ng suspek.
Positibong itinuro ng mga saksi ang suspek na suot pa ang duguang short pants at T-shirt nang mahuli ng mga otoridad.
Itinurn-over naman sa SOCO ang kutsilyong ginamit umano ng suspek na may habang 12 inches kasama ang hawakan nito para sa cross matching.

Nahulog sa drainage canal ang bangkay ni Randy Rivera matapos pagbabarilin ng nag-iisang suspek gamit ang isang .45 baril.
Cabiao- Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang salarin ang isang dating miyembro ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan sa loob ng Cabiao Cockpit Arena sa Barangay San Jose.
Kinilala ang biktimang si Randy Rivera y Bondoc, ng Purok 7, Bgy. Sinipit, na tinadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa pagsisiyasat ng Cabiao Police Station, 12:00 ng umaga pumasok sa sabungan si Rivera kasama ang kanyang live-in-partner para manood ng sabong, ngunit makalipas ang ilang minuto ay lumabas para mag-merienda.
Naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at pinagbabaril siya ng malapitan.
Nabatid na si Rivera ay itiniwalag sa HMB dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na aktibidad.- ulat ni Clariza de Guzman.