Hindi sumipot si Cabanatuan City Mayor Jay Vergara sa isinagawang Peace Covenant para sa mga lokal na kandidato ng lungsod, na ginanap sa Maria Assumpta Seminary, Cabanatuan City.
Hindi lang si Mayor Vergara ang no show sa mahalagang okasyon, dahil maging ang kanyang mga kaalyado ay hindi rin dumalo.

KAPITBISIG NA NAGPAKUHA NG LITRATO ANG TEAM SAVE CABANATUAN, BILANG PAGPAPAKITA NG BUO NILANG SAMAHAN.
Buo at sama-sama namang dumating at sumuporta sa Peace Covenant ang Team Save Cabanatuan sa pangunguna nina Kap. Ramon Suka Garcia at 3rd District Former Board Member Anthony Umali.
Nagdulot naman ng pagkabahala sa kampo ng Team Save Cabanatuan ang hindi pagsipot ng grupo ni Mayor Jay Vergara.
Ayon kay Umali, napakahalagang pagtitipon para sa kanilang mga kandidato ang Covenant para sa mapayapa at malinis na halalan.
Dumalo din at nakiisa ang ilang Independent Candidates tulad nina Jan-Jan Cecilio na kumakandidato bilang Vice Mayor at Wilfredo Liwag na tumatakbo bilang Punong Lungsod.
Sa mensahe ni Fr. Aldrin Domingo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV Nueva Ecija, ang kapayapaan ay isang responsibilidad ng bawat mamamayan.
Sa datos ng Commision On Elections o COMELEC Cabanatuan City, mayroong mahigit dalawang daang libong botante ang naka rehistro sa kanilang opisina.
Ayon kay Cabanatuan City Election Officer Atty. Westly Rey Del Fonso, puspusan na ang kanilang preparasyon para sa nalalapit na eleksyon. -Ulat ni Danira Gabriel