Ito si Mike Joseph, 1ST year student at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Bagaman suportado ng magulang ang kanyang pag-aaral, nanaisin pa rin daw niyang kumuha ng part time job, upang makatulong sa mga gastuhin.

     Simula sa buwan ng Pebrero, ay maaari ng tumanggap ang Deparment Of Labor and Employment o DOLE nang registration para sa mga estudyante na nagnanais na makapagtrabaho nitong darating na bakasyon. Ang summer job ay sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students o tinatawag na SPES.

     Dahil sa summer job, mabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magkaroon ng pansamantalang trabaho sa pribado o sa gobyerno.

     Narito ang mga kwalipikasyon upang mapabilang sa SPES.

     Una, dapat nasa edad na 15 – 25 anyos.

     Pangalawa, dapat nasa passing grade na 75% para sa high school students at 3.0 sa college students.

     At pangatlo kinakailangang mula sa indigent families na bibigyan ng seripikasyon ng barangay chairman.

     Sa ilalim ng SPES, 60%-40% ang sharing na kung saan ang 60% na sweldo ay sasagutin ng mga kumpanya o anumang government agencies, habang 40% naman ang sagot ng DOLE para sa regular net pay ng mga matatanggap ng estudyanteng magtatrabaho.

     Ang SPES program ay bukas din para sa mga out of school youth. -Ulat ni Danira Gabriel