Sa ika-pitong taon ng Tambo Festival, muling dinagsa ng mga manonood ang isa sa mga inaabangan na aktibidad sa bayan ng San Antonio, ang Street Dance Competition.

     Umpisa pa lang, nakitaan na ang mga bata ng saya at sigla sa kanilang pagparada.

     Maging ang mga alagang aso ng mga mamamayan ng San Antonio, nakiisa rin sa pagdiriwang.

     Anim na grupo sa Elementary Category at apat na grupo sa Secondary Category ang lumahok sa street dance competition na nagpakita ng kani-kanilang estilo ng sayaw na hango sa kultura at tradisyon ng kanilang bayan.

Sta. Barbara North Elementary School, naiuwi ang kampeontao sa Elementary Category

Sta. Barbara North Elementary School, naiuwi ang kampeontao sa Elementary Category

     Nagwagi sa Elementary Category ang Sta Barbara North Elementary School, na sinundan ng Papaya Elementary School at Sta Barbara South Elementary School.

Sta. Isabel Montessori Highschool, wagi sa Secondary Category ng Street Dance Competition

Sta. Isabel Montessori Highschool, wagi sa Secondary Category ng Street Dance Competition

     Hinakot naman ng Sta Isabel Montessori Highschool ang mga special award na Best in Costume at Most Synchronized Group na handog nina Mayor Lustre at Vice Mayor Kaka Balagtas.

     Maging ang pagiging kampeon ngayong taon, nasungkit din ng Sta Isabel Montessori Highschool sa ilalim ng Secondary Level na nag-uwi ng P 35,000 pesos.

     Pumangalawa ang San Francisco Highschool at pangatlo ang Sta Barbara National Highschool.

     Hindi naman uuwing luhaan ang mga hindi pinalad ng araw na iyon dahil may nakalaan para sa bawat grupo na consolacio prize na 10,000 pesos.- Ulat ni Shane Tolentino