Sa pamumuno ng ADRF o Africa Asia Development Relief Foundation, pinagtibay sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum Of Agreement o MOA signing ang relasyon ng bansang Korea at Pilipinas sa pagtulong sa mga mahihirap na komunidad na sinalanta ng bagyo.

     Nilagdaan ni Park Jun Soo ng Kyungnam University at Sabino Manglicmot ng Midway Maritime Foundation Inc. ang kasunduan, na magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na makatulong sa mga nangangailangan at matutunan ang kultura ng bawat bansa.

     Ang Community Extension Program sa pagitan ng Kyungnam University at Midway Maritime Foundation Inc. ay naglalayong magbigay ng mga bahay, silid aralan at palikuran sa mga lugar na labis na sinalanta ng mga nagdaang malalakas na bagyo.

Mga estudyante ng Kyungnam University at Midway Maritime Foundation Inc, sama-samang kumain sa masaganang Boodle Fight.

Mga estudyante ng Kyungnam University at Midway Maritime Foundation Inc, sama-samang kumain sa masaganang Boodle Fight.

     Pinatunayan nila na hindi hadlang ang magkaibang lahi at lengguwahe ng bansang Korea at Pilipinas upang palawakin at paigtingin ang relasyon ng dalawang bansa sa iisang layunin na magbigay pagasa at palawakin ang kaalaman ng bawat bansa.

Mananatili ang mga estudyanteng Koreano sa lalawigan ng Nueva Ecija sa loob ng buong isang linggo. -Ulat ni Danira Gabriel