
Sina Mayor at Col. Ferdinand Vero habang namimigay ng mga laruan sa mga bata.
Naging tradisyon na ng pamilya ni Mayor Lorna Mae Vero na ibukas ang kanilang tahanan tuwing araw ng pasko upang magbigay ng kasiyahan sa mga kabataan.
Ayon kay Mayor Vero, pagpasok ng ber month ay abala na siya katuwang ang kanyang asawang si Colonel Ferdinand Vero, mga anak, at iba pang miyembro ng kanilang pamilya sa paghahanda ng mga regalo na ipamimigay sa kanilang mga kababayan.
Umaga pa lamang ay mahaba na ang pila gate ng bahay ng mga Vero na tumatagal hanggang tanghali.

Pagputok pa lamang ng araw tuwing kapaskuhan ay dinudumog na ng mamamayan ng Llanera ang tahanan ni Mayor Lorna Vero.
Kwento ni Mayor Lorna, sinimulan niya ang pamimigay ng pamasko taong 2004 noong konsehal ng bayan pa lamang siya ng Llanera. Ipinagpatuloy niya ito hanggang sa naging alkalde na siya.
Para kay Mayor Vero, isang biyaya ang mabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa kanyang mga nasasakupan dahil hindi lahat aniya ay nabibigyan ng pagkakataon.
Kaya sa huling pasko sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay pasasalamat ang iniiwan niya sa kanyang mga kababayan at sa lahat ng taong tumulong sa kanya.- ulat Clariza de Guzman