Isa si Chanel sa higit dalawang daang estudyanteng iskolars na nakatanggap ng halagang P2,500 allowance sa ginanap na programang Stipend ng pamahalaang panlalawigan sa bayan ng penaranda.

 

Kwento  ni Chanel madalas problema  nila ang pang-tuition fee kada semester kaya naman blessings aniyang  maituturing ang handog na allowance sa katulad niyang mag-aaral na mula sa payak na pamilya, kaya naman labis ang kaniyang pasasalamat kay Gov. Cherry Umali.

Bilang sukli sa tulong pinansiyal na ipinagkaloob ng kapitolyo ay mas pagbubutihan pa niya umano ang kaniyang pag-aaral.

Ayon naman kina Leon Abando at Jonalyn Manese na parehong magtatapos ngayong taon at parehong nag-OOJT sa kani-kanilang kinuhang kurso. Napakalaking bagay ang mabiyayaan ng tulong pinansyal dahil magagamit nila ito, sa mga Educational at Instructional Materials.

Kaya naman, labis ang pasasalamat ng dalawa at parehong nag-iwan ng payo sa kapwa nila iskolar.

Samantala, emosyonal naman si ginang Thelma Mendoza, isa sa mga magulang na dumalo at sinamahan ang kaniyang anak sa pagtanggap ng tulong pinansyal.

Kwento ng ginang mahirap aniya ang magtaguyod ng anak para makapag-aral sa hirap ng buhay

Hindi rin niya pinalagpas ang pagkakataon na makapagpasalamat sa ina ng lalawigan ng aming makapanayam.

Kaugnay nito, ang programang Stipend ay  nagsimula pa noong 2001  na sinimulan ni former Governor Oyie Umali sa kanyang panunungkulan noon bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan,  ipinagpapatuloy ito  ni Governor “Czarina Cherry”  Umali dahil sa layuning makapagbigay ng magandang kinabukasan para sa mga kabataan.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran